DILG pinapurihan ang digital cash aid disbursement ng ilang LGUs

Pinapurihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Lungsod ng Parañaque at Lungsod ng Makati sa paggamit ng digital disbursement sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan ngayong panahon ng pandemiya.

Sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya na natutuwa sila sa paggamit ng dalawang local government units (LGUs) ng technology-based platforms dahil wala nang mahahabang pila at napapanatili nito ang physical distancing at iba pang health protocols sa kanilang mga benepisyaryo.

Inilunsad kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang Paraña-cash na isang cash assistance program para sa mga “left-out-households” o mga hindi nakatanggap ng kahit anong tulong pinansyal mula sa gobyerno sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), expanded 4Ps, at COVID-19 Adjustment Measures Program ng Department of Labor and Employment.

Noong nakaraang buwan, inilunsad din ng Lungsod ng Makati ang kanilang cash aid program sa lahat ng Makatizens o mga residente ng Makati sa pamamagitan ng GCash.

Bawat isa naman sa unang batch ng Paraña-cash UnionBank EON cardholders ay nakatanggap ng P5,000 cash aid, sa paglulunsad ng pay-out program na pinangunahan ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez noong Miyerkules sa San Agustin Gym, Moonwalk, Parañaque City.

Sinabi ni Malaya na ito ang tugon ng Lungsod ng Parañaque sa panawagan ni DILG Secretary Eduardo M. Año na ‘go digital’ upang masiguro na lahat ng tulong pinansyal ng gobyerno ay ginagawa electronically.

"Kasi nakita naman natin iyong problema noong nakaraan na grabe ang pila at kumpol-kumpol ang mga tao. Isa ang Parañaque sa mga nangungunang lungsod sa ating bansa na gumamit ng 100% digital disbursement,” aniya.

Pinapurihan din niya ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa pagsisimula ng bank-on-wheels (BOW) sa tulong ng UnionBank, na isang air-conditioned Automated Teller Machine (ATM) kiosk sa loob ng isang mobile van kung saan maaring mag-withdraw, balance inquiry, fund transfer at bills payment.

Lahat ng transaksyon sa BOW ay zero-contact upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pay-out ng cash assistance.

“Imbes na magpunta sila sa ATM, dinala nila iyong ATM dito [bank-on-wheels] sa barangay. So convenience sa tao pinalapit na iyong ATM, gamit-gamit pa iyong EON Card. Tapos ang maganda pa rito, anytime kung gusto mo, puwede kang pumunta sa ATM. Kung nakita mo ngayon na mahaba ang pila, bukas ka na lang pumunta,” sabi ni Malaya.

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-pinapurihan-ang-digital-cash-aid-disbursement-ng-ilang-LGUs/NC-2020-1275

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System