Mababa at pantay-pantay na presyo ng Covid-19 RT PCR swab test Isinusulong ng DILG

Ipinanawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang pare-parehong presyo ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test para sa COVID-19, at dapat ito ay mababa lamang upang mas maraming mamamayan ang makapag-avail nitong.

"Mas marami ang mabibigyan ng pagkakataong magpa-swab test kung pare-pareho ang presyo nito sa mga pribado at gobyernong ospital sabi ni Ano. “Iyan ang isang mabisang paraan para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 virus."

Ang RT-PCR ay siyang pinakamataas na pamantayan para sa COVID testing. Kahit na mayroon murang rapid tests, sinasabing ito ay mas kapanipaniwala sa lahat.

Sinasabi sa isang news website na ang halaga ng RT-PCR Test na siyang gold standard para sa COVID-19 testing ay nagkakahalaga ng P4,000 – P13,000, na sinasabing malayo sa purchasing power ng mga ordinaryong Filipinos.

Ayon kay Ano, imbes na magpa- test ang mga Filipino, mas gagastos ito para bumili ng pagkain at iba pang pangangalaingan at sundin na lang ang mga health protocols upang maka-iwas mahawaan.

“Sana, pantay rin ang presyo ng swab tests sa mga pampubliko at pribadong hospital,” he added.

Sinusuportahan naman ni Ano ang panawagan ni House Deputy Speaker 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero sa Department of Health (DOH) na sagutin sa lalong madalin panahon ang mga reklamo sa iba’t-ibang presyo ng swab tests.

Kanya din ini-endorso ang proposal ni Romero sa mga ospital na magsagawa ng free regular swab test sa kanilang mga health workers na hindi kaya ang mataas na presyo nito.

Ayon kay Romero ang hospital cost ng RT-PCR Test ay hindi dapat iba-iba.

"Inaasahan ko na pareho lang ang proceso at gamit ng mga health personnel na involved dito pati na ang training at experience," sabi ni congressman.

Nabanggit nito na ang Philiipine National Red Cross (PNRC) ang may pinakamababang presyo na P3,500 per swab. Habang ang 9 private at government hospital sa Metro Manila ay naniningil sa mga bawai indibidual Rt-PCR Test mula p3,500-P8,150, sabi pa nito.

Nito lamang August, ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor (DOLE) sa isang Joint Memorandum Circular 20-04 ay hinikayat ang mga empleyado ng mga private companies na ipa-test ang kanilang mga manggagawa at sagutin ang gastos sa swab test.

Suportado din nito ang panawagan ni Romero sa mga ospital na magbigay ng free regular swab test sa kanilang health workers na hindi kaya ang mga gagastusin dito.

"Ang ating mga health workers ay mga frontliners na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng mga COVID patients at upang maiwasan makahawa sa mga tao," sabi ni Secretary Ano.

“Dapat din natin siguraduhin na ang bilang ng health workers ay madagdagan hindi dapat mabawasan sa pamamagitan ng regular swab test sa kanila," dagdag pa nito.

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/Mababa-at-pantay-pantay-na-presyo-ng-Covid-19-RT-PCR-swab-test-Isinusulong-ng-DILG/NC-2020-1341

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System