DILG: 3,267 pulis at fire personnel, nagsasagawa ng search and rescue operations sa Cagayan at Isabela

Nagpadala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 3,267 na tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela at kasalukuyan silang nagsasagawa ng mga search and rescue at disaster response operations, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard, Armed Forces, at Local Government Unit (LGU) rescue teams.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na binubuo ito ng 1,087 police personnel mula sa iba`t ibang mga LGU at 920 police officers mula sa Reactionary Standby Support Force ng Police Regional Office 2 na nakabase sa Tuguegarao City.

May 1,260 na tauhan ng BFP na ipinakalat sa lahat ng LGUs ng Rehiyon 2 kasama ang 28 tauhan ng Emergency Medical Service and Special Rescue Unit ang napakilos at kasalukuyang nagsasagawa ng mga disaster response operations, aniya.

Sinabi ng DILG Chief na ang mga reserve contingents mula sa iba pang mga Police at Fire Regional Offices at PNP at BFP National headquarters ay tinipon na rin para sa rapid deployment.

Sinabi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na kabuuang 156 na mga barangay mula sa 24 sa 29 na mga lugar sa Cagayan ang binaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Samantala, pinuri din niya ang PNP at ang BFP para sa 'job well done' sa pakikipagtulungan sa mga LGUs sa pagrescue at pag-evacuate sa mga 163,532 pamilya mula sa mga lugar na nasalanta ni Ulysses sa iba pang mga bahagi ng bansa.

Sinabi ni Año na may 363 rescue teams na kinabibilangan ng halos 25,000 PNP officers at 10,147 BFP personnel ang ipinadala sa lahat ng rehiyon sa Luzon kabilang ang National Capital Region (NCR) upang tulungan ang mga apektadong pamilya at indibidwal.

"Pinupuri ko ang ating police at mga fire officers para sa kanilang kabayanihang pinamalas sa matapang na pagsuong sa tubig-baha, pagsasagawa ng search and rescue sa mga nawawala, pagmonitor ng mga landslide-prone areas, at sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga evacuation centers habang nananalasa ang Bagyong Ulysses. Mahusay na trabaho ang ginawa nila sa NCR at iba pang rehiyon, at ngayon ay ginagawa din nila ito sa Cagayan," aniya.

"Ang mga tauhan ng mga LGUs, BFP at PNP ay sinugal ang kanilang buhay upang magampanan ang kanilang mga sinumpaang tungkulin. Kadalasang hindi nakakaabot sa media ang kanilang nagagawa, ngunit ang mga ito ay patunay na sila ay naglilingkod sa mga tao," dagdag niya.

Sa isang ulat sa DILG, ang PNP ay nakapagligtas at nakapaglikas ng halos 104,850 na mga indibidwal habang ang BFP ay nakapagligtas at natulungan ang may 58,682 na indibidwal. Nasa red alert na ang mga PNP at BFP personnel noon pang Nobyembre 11.

Ipinaliwanag ng DILG Chief na ang mga local chief executives ang nangunguna sa mga disaster risk reduction (DRR) initiatives sa kanilang mga kinasasakupan. Ang kanilang mga local DRR teams ay kinabibilangan ng mga police, fire at ibang miyembro na automatically activated sa sandaling maglabas ng typhoon alert ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA).

“Ilang taon na rin simula ng pinatupad ng DILG ang Operation Listo at ang lahat ng mga LGUs ay automatic na gumagawa ng critical preparedness measures tatlong araw bago pa man mananalasa ang bagyo,” sabi ni Año.

Sinabi niya na ang mga police at fire officers ay naka-deploy na upang matulungan ang mga LGU na magpatupad ng pre-emptive evacuation bago ang landfall ng bagyo. Siniguro din ng PNP ang kaayusan sa humigit-kumulang 13,526 na mga evacuation center habang sinusubaybayan ng BFP ang 1,861 na mga evacuation center sa buong bansa.

Bahagi ng mga ipinakalat na kagamitan ng pulisya sa iba`t ibang lugar na apektado ng Ulysses ay mga rubber boat at trak habang ang mga naipakalat na kagamitan para sa sunog ay kinabibilangan ng mga fire trucks, rescue / hazmat trucks, at mga ambulansya.

“Hindi man natin maiwasan ang hagupit ng hangin at ulan sa tuwing may malakas na bagyo pero malaking tulong ang kahandaan ng ating mga LGUs, kapulisan at bumbero kaya mas mababa ang nasawi nitong bagyong Ulysses kumpara sa mga nagdaang bagyo,” dagdag niya.

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-3267-pulis-at-fire-personnel-nagsasagawa-ng-search-and-rescue-operations-sa-Cagayan-at-Isabela/NC-2020-1384

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System