DILG inilunsad ang unang programang pang-telebisyon na "Tayo Na!"

 

 

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapong Lunes ng gabi ang kauna-unahang mainstream nitong programa sa telebisyon na "Tayo Na!" upang ipaaalam sa mas malawak na tagapanood ang mga proyekto at gawain ng Kagawaran at himukin ang kanilang partisipasyon sa mga programa ng DILG para sa pagpapabuti ng pamamahala ng gobyerno.

"Nais naming marating ang mas malawak na manonood at ikuwento sa publiko ang maraming inisyatibo ng pamahalaan at ng DILG upang mapaunlad ang kanilang buhay. Kasabay nito, sa pamamagitan ng programang ito, hinihikayat natin ang publiko na makiisa at maging bahagi ng nation-building," ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Aniya, ang programang “Tayo Na!” ay isang educational magazine show na nagtatampok ng mga serbisyo, prayoridad na proyekto, kuwento ng tagumpay at impormasyon para sa mga Pilipinong tagapanood.

"Ang 'Tayo Na!' ay magbibigay ng pagkakataon sa mga manonood na magkaroon ng access o kaalaman sa mga proyekto ng DILG sa kani-kanilang mga tahanan," paliwanag ni Malaya.

Ang nasabing programa ay gumamit ng educational immersion approach sa pagtalakay sa mga proyekto ng DILG habang sinusundan ang mga host na sina Tricia Bersano at Jules Guiang kasama ang mga kawani ng pamahalaan na nagtatrabaho sa mga pamayanan.

Tampok sa pilot episode ang Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP), isang programang pinangungunahan ng DILG, Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism at iba pang sangay ng pamahalaan na naglalayong ibalik ang ganda ng Manila Bay.

Sinamahan ng host na si Tricia Bersano ang DILG team at ilang mga volunteers sa isa sa mga lingguhang clean-up drive, mula sa pagpupulot ng basura hanggang sa raking o pagkalaykay ng coastline.

Itinampok din sa unang episode ang pang-araw-araw na tungkulin ng Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa mga attached agency ng DILG. Tinalakay ng host na si Jules Guiang ang ilan sa mga gampanin at tungkulin ng isang bumbero at mga dapat isaalang-alang para sa kaligtasan at pag-iwas sa sunog.

Ayon kay Malaya, ang “Tayo Na!” ay naglalayong ibahagi sa mga Pilipino ang mga mahahalagang milestone o kahangahangang gawa at adhikain ng Kagawaran. Halimbawa, ang pilot episode ay nagbahagi ng kaalaman sa paparating na 2019 midterm elections at nagpapaalala sa mga manonood na bumoto ng kandidato na mahusay, matino at maaasahan.

Binanggit din niya na tampok din sa palabas ang Pederalismo segment na nagpapaliwanag ng pangunahing kaalaman ukol sa Pederalismo at ang mga benepisyo na makukuha rito upang mas maunawaan ng mga manonood na Pilipino ang anyong ito ng pamamahala.

Ang mga susunod namang mga episode ay tatalakay sa papel ng Philippine National Police (PNP) sa halalan at ang kanilang mga hakbangin sa pagpapanatili ng kapayapaan.

"Ang nasabing palabas ay magibibigay liwanag din sa pang-araw-araw na buhay ng mga pinuno at iba pang opisyal ng mga pamahalang lokal at magtatampok din ng pagtalakay sa pagsasanay ng PNP Special Action Force (SAF),” ani Malaya.

"Ang ‘Tayo Na!’ ay ang maglalapit sa mga inisyatibo at kuwento ng tagumpay ng DILG sa mga Pilipino. Tayo po ay magtulungan tungo sa paglikha pa ng mas maraming kuwento ng tagumpay sa ating mga pamayanan," dagdag niya.

Ang “Tayo Na!” ay ipinapalabas sa People’s Television Network (PTV-4) tuwing Lunes sa ganap 8:30 ng gabi.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-inilunsad-ang-unang-programang-pang-telebisyon-na-Tayo-Na-/NC-2019-1121

Programs Portal

            

         LGU 201 Profile   

            
 
DILG Intranet

     DILG GovMail     DILG Central Intranet     DILG IV-A Records Tracking System