Abalos: 911 hotline dapat ilunsad sa buong bansa bilang paghahanda vs banta ng La Nina
August 15, 2024
Para sa ganap na pagpapatupad ng 911 emergency system sa buong bansa, hinihikayat ang bawat lungsod na magtayo ng sarili nitong local 911 call center lalo na ngayong mayroong banta ng La Niña sa mga susunod na buwan.
Ito ang pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos sa Emergency 911 (E911) National Summit na ginanap Miyerkules sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong.
Sa kaganapang ito, naglunsad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng emergency response system gamit ang makabagong teknolohiya mula sa US 911 system upang mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya sa bansa.
”The idea is to create a seamless, nationwide communication infrastructure for emergency services. We will make sure that we will use the latest tools and techniques around the world. We are now starting this,” ani Abalos.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Abalos na para maging epektibo ang 911 system, dapat tumulong ang bawat lungsod sa pag-set up ng sarili nitong local emergency call center, katulad ng decentralized system sa US.
Gayundin, nilagdaan ng Kagawaran ang isang Memorandum of Understanding kabilang ang NGA 911 at PLDT, para sa donasyon ng advanced na teknolohiya tulad ng precise caller location services, advanced mapping and incident management systems, data analytics, video streaming, omni-channel messaging, at integration ng body at vehicle cameras sa pagresponde sa emergencies.
”The only thing we could do to implement this in the most efficient way is to [use] technology. That’s the only way,” dagdag ni Abalos.
Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/Abalos-911-hotline-dapat-ilunsad-sa-buong-bansa-bilang-paghahanda-vs-banta-ng-La-Nina/NC-2024-1112