May 2, 2023

“Teach our children to say no to drugs.”

Ito ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa mga magulang matapos nitong pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program sa ABL Sports and Cultural Center, Kalibo, Aklan kamakailan.

“Parenthood is a sacred duty bestowed to us by the Lord and in our war against illegal drugs, we must ensure that our children will be far from its influence. I urge all the parents to be good role models and to continuously nurture their relationship with their children so that they may ably guide them through life’s challenges and veer them away from illegal drugs. Ito po ang ating pinakamalaking tungkulin,” ani Abalos.

Pagbabago, repormasyon, at pag-unlad ng kabataan ang mga naging tema ni Abalos sa pormal na paglulunsad ng BIDA Campaign sa Kalibo, Aklan kasabay ng paalala sa mga magulang na gawin ang makakaya upang mahubog ang mga kabataan tungo sa tamang landas at malayo sa iligal na droga.

“Walang tao ang walang problema, pero wala ring problema ang walang solusyon. What is important is how you handle a problem. It is what makes you a leader. Iyan ang kailangan natin sa bata, the confidence to say no to illegal drugs,” diin ng Kalihim.

Gamit ang halimbawa ng mga nakaraang drug busts sa Baguio at Taguig, binigyang-diin ni Abalos na mayroong higit na pangangailangan ng madaliang pagkilos upang wakasan ang problema ng ilegal na droga dahil sa pinsalang maaaring maidulot nito.

“We are now at a point na ang huli ng pulis ay bilyon-bilyon. Kailan lamang, sa Baguio, nakahuli sila ng 4 billion pesos. Kung umikot ito, malaking perwisyo sa anak natin, sa apo natin, sa mga susunod nating henerasyon ng Pilipino. Sisirain tayo nito.”

Bago ang paglulunsad ng programa, pinangunahan din ng Kalihim ang pormal na pagbubukas ng BALAY SILANGAN o Baeay Pagbag-o it Kalibo sa Brgy. Nalook, Kalibo. Kabilang ito sa proyekto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naglalayong bigyan ng tulong ang mga drug surrenderee sa bansa.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/Abalos-sa-paglulunsad-ng-BIDA-sa-Aklan-Teach-our-children-to-say-no-to-drugs/NC-2023-1065