May 11, 2023
Muling sasailalim ang mga local government units (LGUs) sa taunang Peace and Order Council (POC) Performance Audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang tiyakin na ang 1,715 local POCs sa bansa ay aktibong nagpapatupad ng peace and order programs at projects sa kanilang lugar.
“Through this yearly audit, we want to make sure that our regional, provincial, city and municipal POCs are functional and are carrying out strategies and interventions to further improve the peace and order situation in their areas,” ani DILG Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr.
Sa audit na isasagawa ngayong taon, kailangang magtala ang mga POCs ng 70% o mas mataas na marka kumpara sa 65% ng nakaraang taon upang maituring na “functional” batay sa mga sunusunod na pillars: Organization; Meetings; Policies, Plan and Budget; Reports; at General Supervision.
“Ang mas mataas na functionality rate ng POCs ay repleksyon ng mas kaaya-ayang mga LGUs” aniya.
Dagdag pa niya na “POCs will bring meaningful development in their areas such as increase in business or investment confidence, flourishing infrastructure projects and wide participarion and engagements of various sectors.”
Mayroon ding bonus points para sa POCs na nakagawa ng mga innovations o makabagong programa na malaki ang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko sa kani-kanilang mga lokalidad.
Base sa Executive Order No. 773, ang mga POCs ay dapat nakakapagpulong kada tatlong buwan, mayroong 3-year term-based plan sa Peace and Order and Public Safety (POPS), maglaan ng bahagi ng taunang badyet sa kampanya laban sa iligal na droga, magsumite ng accomplishment report gamit ang POPS Plan Policy Compliance Monitoring System.
Sa audit ngayong taon, magdadagdag din sa unang pagkakataon ng development indicators tulad ng Effectiveness in Addressing Criminality Issues, Citizens Satisfaction on Peace and Order and Public Safety at Women’s Participation in POCs.
Gayunpaman, sabi ni Abalos na ang mga naturang indicator ay magsisilbi lamang na baseline data at hindi kabilang sa kabuuang score.
Ioorganisa at pangungunahan ng Bureau of Local Government Supervision (BLGS) ng DILG ang National Audit Team (NAT) kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at Civil Society Organization (CSO) bilang miyembro nito.
Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-1715-local-peace-and-order-councils-isasailalim-sa-taunang-performance-audit-mas-mataas-na-passing-rate-ipatutupad/NC-2023-1077