MESSAGE OF THE SECRETARY

Sa lahat ng nakilahok sa nakaraang pagtitipon para sa Katarungan, Karapatan at Pananagutan:

Sa ngalan ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal, nagpapasalamat po ako sa matiwasay na pagtatapos ng pagtitipon sa Quirino Grandstand at People Power Monument. Natapos ito nang walang nasaktan, walang napinsala, at walang kaguluhan.

Ito ay isang tagumpay ng demokrasya. Walang karapatang tinapakan at walang sigaw ang hindi narinig.

Ang katarungan ay paparating. Sa panahong ito, tuloy-tuloy ang pag-andar ng gulong ng hustisya.

Ang may kasalanan ay makukulong.
Ang may sala ay mahahatulan.
At marami ang mananagot sa kanilang ginawa.

Asahan ninyo na ang DILG ay patas para sa lahat: karapatan ng lipunan at pananagutan ng may kasalanan.

Mabuhay ang ating Inang Bayan. Mabuhay ang Bagong Pilipinas.