Message of the Secretary

Bukas ay araw ng paggalang para kay Andres Bonifacio, isang dakilang bayani na inalay ang kanyang buhay para sa inang bayan.

Sumigaw at humiyaw kayo sa abot ng inyong nais. Karapatan nating lahat iyan.

Sa lahat ng nagtatangkang pumunta sa Mendiola, para klaro lang: Huwag ninyong subukan ang kalooban ng PNP. Gagawin namin ang lahat para gampanan ang aming tungkulin ayon sa Saligang Batas.

Pasensyahan tayo. Ang batas ay batas. At bawat paglabag ay may kaakibat na pananagutan. Isigaw ninyo ang lahat, pero kapag may lumabag, handa kaming ipatupad ang batas, kahit sino pa man.