Message of the Secretary

Sa ngalan ng demokrasya. Sa ngalan ng ating Saligang Batas. Sa ngalan ng hustisya.

Kami po sa DILG ay nagpapasalamat sa mapayapang pagtitipon ngayong araw ni Andres Bonifacio. Muli, ang pagsaad ng damdamin ay bahagi ng tradisyon ng ating kasaysayan.Ito ang nagbigay-buhay sa ating kalayaan.

Malaki po ang ating pag-asa na ang karapat-dapat na hatol ay paparating na sa lahat ng nagkasala. Umasa po kayo na ang ating kagawaran ay patuloy na nagmamasid hanggang sa matapos ang lahat ng ito.

Maraming salamat po sa mga hanay ng kapulisan na masugid na nagmasid para sa proteksyon at kapayapaan ng lahat. Muli, maraming salamat po.