MESSAGE OF THE SECRETARY
Kami po sa DILG ay nakikiisa sa mungkahi ng Iglesia ni Cristo sa kanilang panawagan. Para sa Katotohanan, Pananagutan, at Hustisya ang tinig at sigaw ng bawat Pilipino.
Bahagi ng aming katungkulan ang siguraduhin ang kapayapaan sa mga kaganapan.
Isa po lamang na paalala: ang paligid ng Malacañang ay mahigpit naming gagampanan ang seguridad para sa kalahatan. Sa mga magulang, sana paalalahanan ninyo ang inyong mga anak na huwag sumama sa mga ‘Geng-Geng’ at ‘gangsta.’ Lahat po ng magpakita ng balak manggulo ay pagtutuunan namin ng buong bigat ng batas.
Ang kalayaan para sa matiwasay na pag-pupulong para iparamdam ang damdamin ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Ang manggulo at manakit ay hindi kasama doon.
Lahat po ay gagawin namin para manatili ang katahimikan.
Magkaisa po tayo para sa ating Inang Bayan.
Original Article At: https://www.dilg.gov.ph/news/MESSAGE-OF-THE-SECRETARY/NC-2025-1276



























