MGA KAWANI AT OPISYAL NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG CALABARZON, NAKIISA SA LOCAL GOVERNANCE SUMMIT 2024

Ni: Larizza Joise D. Macabulos, DILG IV-A | Agosto 28, 2024

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER (PICC), PASAY CITY— Bilang patunay ng dedikasyon sa misyon ng Bagong Pilipinas na magkaisa at paunlarin ang mga komunidad, ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan sa Rehiyon IV-A ay nakilahok sa Local Governance Summit 2024 noong ika-22 hanggang ika-23 ng Agosto, 2024, na may temang “LGUs sa Bagong Pilipinas: Smart. Resilient. Driven.”

Nakiisa dito ang higit sa Tatlong Libong (3,000) opisyal at kawani ng pamahalaan mula sa iba’t-ibang bayan, lungsod at lalawigan. Ang mga kalahok ay nakibahagi at nakapakinig sa talakayan mula sa iba’t-ibang partner agencies at eksperto tungkol sa 7 thematic areas ng governance: Digital Transformation; Smart Urban Infrastructure and Design; Climate and Disaster Resiliency; Health and Nutrition; Peace and Order; Transparency and Accountability; at People’s Participation.

Sa unang araw ng summit ay nagkaroon din ng exhibit na dinaluhan ng partner agencies kung saan ibinida nila ang kanilang mga Programa, Proyekto at Aktibidad (PPAs).

Kaugnay ng layuning ipakita ang patuloy na suporta sa programa ng Bagong Pilipinas at ng adhikaing itaas ang antas ng lokal na pamamahala, nagbigay ng mensahe sina Punong Lungsod ng Pasay, Gng. Imelda G. Calixto-Rubiano at ang Kalihim ng DILG na si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr.,. Ang kanilang mensahe ay sinundan ng mga sumusunod na opisyal mula sa partner agencies ng DILG:

  • Governor Dakila Carlos E. Cua, National President, Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP)
  • Khalid Hassan, ILO Country Director and Acting United Nations Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator
  • Andreas Michael Pfaffernoschke, German Ambassador to the Philippines
  • Lee Sang-Min, Minister, Ministry of the Interior and Safety, Korea
  • Tetsuo Saito, Minister, Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, Japan
  • Sang Made Mahendra Jaya, Governor, Bali, Indonesia
  • Selva Ramachandran, Resident Representative, UNDP

Sa ikalawang araw ay naganap ang pangunahing bahagi ng summit- ang mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Pinasalamatan ng pangulo ang kalahok at binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa upang makamit ang mas progresibong lokal na pamahalaan.

Bilang pagwawakas, nagkaroon ng sessions kung saan ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataong makipagtalakayan sa mga pangunahing opisyal ng Pamahalaang Nasyonal. Nagkaroon din ng Awarding Ceremony para sa mga partner  agencies at Commitment of Support on Advancing Smart Governance in the Philippines, kung saan muling binigyang diin ng mga partner agencies ang kanilang pakikiisa sa mas mahusay na serbisyo-publiko tungo sa Smart, Resilient and Driven na pamahalaang lokal.