May 27, 2023
Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na maghanda sa inaasahang paglakas ng southwest monsoon o Habagat na siyang magdadala ng pag-ulan dahil sa patuloy na paglapit ng Bagyong “Mawar” sa bansa.
“As early as now, some areas are already experiencing rains which may intensify due to Habagat. So I’m calling on our local chief executives (LCEs) to undertake necessary preparedness measures and prepare their disaster response systems and assets to ensure the safety of the people during heavy rains,” ani DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA, inaasahang palalakasin ng Supertyphoon Mawar ang Habagat na magdadala ng pabugso-bugsong pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas mula Sabado ng umaga.
Sa 6 A.M. weather bulletin ng PAGASA ngayong araw, huling namataan ang Supertypoon Mawar 1,740 km silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 km bawat oras at pagbugso ng hangin na umaabot sa 265 km bawat oras. Tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Supertyphoon Mawar Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Dagdag ng PAGASA, asahan ang light to moderate na pag-ulan sa Linggo (28 May 2023) sa Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCKSARGEN, Northern Mindanao, Western Visayas, at Occidental Mindoro dahil sa Habagat; at sa Batanes, Cagayan, at Apayao dahil naman sa rainbands ng Supertyphoon Mawar.
Sa Lunes (29 May 2023), asahan ang heavy rains sa Zamboanga Peninsula, BARMM, Western Visayas, Palawan, Zambales, Bataan at Mindoro Occidental dahil pa rin sa Habagat; Intense rains sa locos Region, CAR, at Isabela; at Torrential rains sa Batanes at Cagayan.
Habang sa Martes (30 May 2023) ay makakaaaa pa rin ng malakas na pag-ulan or heavy rains sa Palawan, Zambales, Bataan, and Mindoro Occidental dahil naman sa Habagat; Intense rains sa Pangasinan, La Union, CAR, at Isabela; at torrential rains sa llocos Norte, Ilocos Sur, Batanes, and the northern portion of Cagayan.
“Hindi lang si Mawar o Betty ang dapat paghandaan ng mga LGUs at ng ating mga kababayan, ngunit pati ang Habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan at pagbaha. Maging listo po tayo at mag-ingat,” ani Abalos.
Operation Listo
Ayon kay Abalos, may mga protocols na dapat sundin ang mga LGUs tuwing may bagyo na nakapaloob sa Operation Listo manual.
Kabilang dito ang pagsisiguro na operational at kumikilos ang kani-kanilang Emergency Operations Center para sa paghahanda at pagtugon sa mga emergency dulot ng Bagyo.
Ipinag-utos din ng Kalihim ang agarang pagtatalaga ng mga posibleng evacuation centers at pagsasagawa ng preemptive evacuation para sa mga naninirahan sa mga lugar na tinuturing na danger zones.
“I am also calling on the prepositioning of relief goods/packs, potable water, fuel, portable generator, equipment, and other assets that will help our fellowmen in this looming emergency,” ani ng Kalihim.
Para naman sa mga coastal at island barangays, nanawagan si Abalos na tutukan ang lagay ng panahon at magpatupad ng pagbabawal sa pangingisda at paglalayag kung kinakailangan.
Pinaalalahanan din ng Kalihim ang publiko na patuloy na maging alerto at makinig sa balita at opisyal na anunsyo ng pamahalaan hinggil sa sama ng panahon.
“Sa ating mga kababayan, maghanda po tayo at manatiling alerto. Let us ensure that our roofs, walls, and power lines are secured and that your respective survival kits and evacuation plans are in place,” ani ng Kalihim.
Una nang pinaalalahanan ng DILG ang mga LGUs at ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDDRMCs) na maghanda sa hagupit ng Supertyphoon Mawar na tatawaging Bagyong Betty pagpasok ng PAR.
Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/PAALALA-NG-DILG-SA-MGA-LGU-IPATUPAD-ANG-OPLAN-LISTO-PROTOCOLS-SA-BAGYONG-MAWAR/NC-2023-1087