February 15, 2024

Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr.
DILG Secretary

Isang masaya at mapagpalang Araw ng mga Puso sa ating lahat!

Sa espesyal na araw na ito, ipamalas at ipadama natin sa bawat isa ang ating pagmamalasakit at pagmamahal.

Valentine’s day is celebrated around the world. This shows its universality – both in language and meaning. Let us seize the chance to spread love always and say “I love you” to your loved ones.

Sa isang banda ay muli ko pong pinaalahanan ang lahat na mag-ingat sa mga “love scam” na talamak na raket sa mga ganitong panahon.

Target nilang biktimahin ang mga nalulungkot at naghahanap ng pagmamahal, kaya naman maging alerto po tayo at huwag magpapabudol!

Kasabay ng Valentine’s Day ay ang paggunita ng buong Sambayanang Katoliko ng Ash Wednesday na siyang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Hinihikayat ko ang lahat na gamitin ang panahong ito sa pag-aayuno, at pag-alala ng sakripisyo at penitensya na ginawa ni Hesukristo para iligtas tayo sa ating mga kasalanan.

Ipamalas natin ang ating tunay at tapat na pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapanitili ng kalinisan sa ating mga pamayanan, lalo na sa mga simbahan at iba pang lugar ng pagsamba, at bilang pagtalima na rin sa programang KALINISAN sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/PAHAYAG-NG-DILG-PARA-SA-ARAW-NG-MGA-PUSO-AT-PAGSISIMULA-NG-KUWARESMA/NC-2024-1029