Pahayag ng DILG para sa mga Pamilyang Nawalan ng Mahal sa Buhay sa Lindol sa Cebu
Ipinapaabot ng DILG ang aming pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga nasawi sa naganap na lindol sa Cebu kagabi. Panalangin rin namin ang mabilis na panunumbalik ng lakas at kalusugan ng mga sugatan.
Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., inatasan na namin ang Bureau of Fire Protection na tumulong sa mga isinasagawang search and rescue operations. Ang Philippine National Police naman ay tumutulong din sa rescue efforts at sinisiguro ang kaayuusan at kapayapaan sa mga komunidad.
Nananawagan kami sa lahat ng mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan na magkaisa para alalayan at suportahan ang mga apektadong pamilya. Sa gitna ng trahedyang ito, magbayanihan tayo upang tulungan sa pagbangon ang Cebu at iba pang karatig na lugar.
Muli, taos-puso ang aming pakikiramay at panalangin para sa kaligtasan at kagalingan ng lahat. Kasama ninyo ang DILG at ang buong pamahalaan sa panahon ng matinding pagsubok na ito.
Original Article At: https://www.dilg.gov.ph/news/Pahayag-ng-DILG-para-sa-mga-Pamilyang-Nawalan-ng-Mahal-sa-Buhay-sa-Lindol-sa-Cebu/NC-2025-1220



























