November 20, 2023
ATTY. BENJAMIN C. ABALOS, JR.
Kalihim ng DILG
Nobyembre 18, 2023
Kaugnay ng nangyaring 7.2 magnitude na paglindol sa malaking bahagi ng Davao Region kahapon ay inatasan ko na ang lahat ng kinauukulang mga ahensya sa ilalim ng DILG, para magsagawa at maghatid ng mga kinakailangang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pangyayari .
Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,ay inatasan ko partikular ang Bureau of Fire Protection na magpadala ng mga tauhan para ma-assess ang mga pinsala sa mga gusali at iba pang imprastaktura, pati na rin mga medical teams para tulungan ang ating mga kababayang nasaktan dahil sa lindol.
Kasunod nito ay mayroon na tayong nai-deploy na 292 fire trucks, 17 ambulansya at 9 na rescue trucks at halos 1,800 na emergency personnel na handang magbigay ng tulong anomang oras sa mga biktima.
Sa lahat ng ito, tinitiyak ko ring nakatutok ang ating mga local chief executives at kapulisan para siguruhin ang kaligtasan at alalayan ang ating mga kababayan doon.
Nananawagan din ako sa mga apektadong residente na patuloy na mag-ingat lalo na sa inaasahang mga aftershocks at sumunod sa abiso ng kanilang mga lokal na opisyal.
Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/PAHAYAG-NG-DILG-SA-72-MAGNITUDE-NA-LINDOL-NA-TUMAMA-SA-DAVAO-REGION/NC-2023-1241