Pahayag ng DILG sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani

August 27, 2024

Atty. Benjamin C.Abalos, Jr.
DILG Secretary

Nakikiisa ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa ating sambayanan sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong ika-26 ng Agosto, 2024 – isang testamento ng matatag na diwa ng patriyotismo ng mga Pilipino.

Sa napakahalagang araw na ito, magbalik-tanaw tayo at bigyang-pugay ang mga sakripisyo ng ating mga bayani na hindi nagpasiil sa puwersa ng mga dayuhan upang palayain ang ating bayan mula sa pananakop.

Kasabay ng paggunita natin sa buhay ng mga taong nagpaningas ng nasyonalismo ng naunang salinlahi, nawa’y mag-alab din ang matinding pagmamahal natin sa Inang Bayan habang patuloy nating itinataguyod ang kasarinlan na kanilang ipinaglaban.

Sa araw na ito, alalahanin din natin ang ating modern-day heroes na walang sawang naglilingkod sa bayan tungo sa kaunlaran.

Halina’t tumindig nang may dangal at isabuhay ang kagitingan ng ating mga bayani habang binabaybay natin ang daan tungo sa Bagong Pilipinas.

Mabuhay ang ating mga bayani!

Original Article at:https://www.dilg.gov.ph/news/Pahayag-ng-DILG-sa-Pagdiriwang-ng-Araw-ng-mga-Bayani/NC-2024-1115