June 13, 2024

Atty. Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr.
DILG Secretary

Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa araw na ito, magbalik-tanaw tayo at bigyang-pugay ang ating mga bayani dahil sa kanilang ipinamalas na hindi mapapantayang katapangan at pagmamahal sa Inang Bayan para makamit natin ang ating kalayaan.

Sa kasalukuyang panahon, ang hamon sa atin ay tumindig kasama ang pamahalaan laban sa iligal na droga, kriminalidad, korapsyon at iba pang salot ng lipunan na nagdudulot ng pasakit at paghihirap sa bayan.

Sa araw na ito, tayo ay magkaisa upang masigurong ang ating tinatamasang kalayaan ay maprotektahan at mapangalagaan tungo sa sagana, payapa at ligtas na Bagong Pilipinas.

Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/PAHAYAG-NG-DILG-SA-PAGDIRIWANG-NG-IKA-126-ARAW-NG-KALAYAAN-NG-PILIPINAS/NC-2024-1098