PAHAYAG NG DILG SA PAGSISIMULA NG SIMBANG GABI 2025

Buong pusong nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsisimula ng taunang Simbang Gabi sa buong bansa.

Kasama po ninyo ang mahigit 100,000 kapulisan ng PNP, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at barangay, upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa mga simbahan at matataong lugar.

Maging alerto, alisto at mapagmatyag. Sa oras ng emergency, tumawag lamang sa 911 at agad pong tutugon ang pamahalaan.

Hangad ng DILG ang isang mapayapa, ligtas, at makahulugang pagdiriwang ng Simbang Gabi at Kapaskuhan para sa ating lahat.