PAHAYAG NG DILG UKOL SA PAG-ARESTO KAY ATONG ANG

Sa paglabas ng warrant of arrest laban kay Charlie ‘Atong’ Ang at iba pang sangkot sa pagkamatay at pagkawala ng 34 na sabungero mula 2021-2022, nakahanda ang ating Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pag-arestong ito nang naaayon sa isinasaad ng batas.

Tinitiyak ng Department of the Interior and Local Government at ng PNP sa mga pamilya ng mga biktima at sa ating mga kababayan na patuloy na uusad ang imbestigasyon sa kasong ito at hindi titigil hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng may sala.

Ito ay isang patunay na ang hustisya ay umiiral at gumugulong sa ating bansa. Ito ay bunga ng pagsisikap ng ating justice system, mula sa law enforcement hanggang sa hudikatura, na ipagtanggol ang karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ng ordinaryong mamamayan