March 4, 2023

Tatakbong muli ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Fun Run ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon kay DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. upang lalo pang paigtingin ang kamalayan ng publiko sa BIDA Program ng Kagawaran at sa panganib na dala ng iligal na droga.

“Ito [BIDA Fun Run] ay inuna lamang sa Metro Manila, we are thinking of doing this na every quarter tatakbo tayo. It’s a run against illegal drugs, it’s a run for our future, and it’s a run that would say Philippines is against illegal drugs,”�ani Abalos

“We are excited to see all of our kababayans sa iba’t ibang rehiyon ng bansa para sabay-sabay tayong tumakbo laban sa iligal na droga,”�dagdag niya.

Sa harap ng 16,245 na runners sa BIDA Fun Run sa Mall of Asia Grounds kamakailan, ipinahayag ni Abalos ang kagustuhan at plano ng DILG na dalhin ang nasabing fun run sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Aniya, target ng Kagawaran na magkaroon ng BIDA Fun Run sa Visayas at Mindanao matapos ang matagumpay na fun run sa Metro Manila.

“The BIDA Fun Run is an efficient way of raising awareness among the public about the dangers of illegal drugs but most importantly, it is a testament to the people’s united stance against this social ill. Higit 16,000 po ang nakasama natin sa MOA nung Linggo at dadalhin po natin ang BIDA Fun Run na ito sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,”�sabi niya.

Dagdag pa niya, ang BIDA Fun Run ay hindi lamang para hikayatin ang mga mamamayan na maging physically fit o paunlarin ang health and wellness ng mga tatakbo ngunit higit sa lahat ay paigtingin ang awareness ng publiko laban sa iligal na droga.

“Pagkatapos ng fun run sa Metro Manila, susunod sa Visayas at Mindanao. Walang humpay at dire-diretso ito. Kung puwede nga bawat local government unit (LGU) ay magkaroon ng ganitong fun run,”�pahayag ng Kalihim.

Kaugnay nito, ibinahagi din ni Abalos na pangungunahan ng DILG-Central Luzon ang BIDA Fun Run sa kanilang rehiyon ngayong Marso 5, 2023, 4:00 AM sa Clark Parade Grounds, Clark Freeport Zone.

Sinabi pa niya na libu-libong runners ang inaasahan sa naturang event matapos buksan ito sa lahat sa pamamagitan ng open registration. Makakasama din aniya ang mga mananakbo mula sa pamahalaang lokal; iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga kabataan; iba’t ibang organisasyon at samahan; at mga kawani ng national government agencies.

Ayon kay DILG-Central Luzon Regional Director Anthony C. Nuyda, ang fun run sa rehiyon ay isang hakbang tungo sa “drug-free Central Luzon.”

“This is a show of our Region’s unity and support to the program’s objectives of increasing awareness and encouraging our communities’ participation in drug demand reduction,”�aniya.

Kagaya ng BIDA Fun Run sa Metro Manila, magkakaroon din ng Serbisyo Caravan dala ang mga pangunahing serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan sa fun run ng DILG-Central Luzon at iba pang sangay ng DILG sa mga rehiyon ani Abalos.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng “Padyak Kontra Droga, Bisikleta Iglesia: BIDA Bayanihan ng Mamamayan ng Marinduque” ang DILG-MIMAROPA sa Abril 4, 2023 kasabay ng Moriones Lenten Rites.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/Abalos-BIDA-Fun-Run-ng-DILG-tatakbo-sa-ibat-ibang-rehiyon-ng-bansa/NC-2023-1031