Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang 1,406 barangay na kasama sa listahan ng mga beneficiaries sa iminungkahing P28.1-bilyong budget para sa Barangay Development Program (BDP) sa 2022, ay sumailalim sa masusi at mahigpit na proseso bago sila idineklarang “cleared” na sa presensya at impluwensya ng mga komunista.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, salungat sa sinasabi ni Gabriela Representative Arlene Brosas, ang proseso ng paglilinis at pagtukoy sa mga beneficiary-barangays sa ilalim ng BDP ay isinagawa sa pamamagitan ng whole-of-nation approach kung saan kasama ang mga barangay residents, barangay at lokal na mga opisyal, national government agencies (NGA), at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Hindi namin pinulot na lamang mula sa hangjn ang mga benepisyaryong mga barangay na kasama sa BDP. Lahat ng mga barangay na dati ay nasa ilalim ng impluwensya ng mga CTGs ay dumaan sa mahabang proseso kasama mismo ang mga barangay at local officials at iba’t ibang sektor sa pamayanan bago pa man sila maisama sa listahan ng BDP beneficiaries,” sabi ni Año.

Sa taong 2022, iminungkahi namin na isama ang 1,406 barangays na nailigtas na sa pananakot at impluwensya ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army- National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) sa BDP. Karamihan sa mga ito ay nasa Bicol, Eastern Visayas, at Caraga Regions kung saan ang CPP/NPA/NDF kung saan malawak ang operasyon ng mga komunistana. Katulad ngayong taon, ang bawat barangay ay makakatanggap ng programa, aktibidad at proyekto na nagkaka-halaga ng hindi lalagpas ng P20-milyon.

Sa budget hearing, kinwestyon ni Brosas, kung paano tinukoy ng gobyerno kung ang barangay ay ‘cleared’ na para maging kwalipikado sa pondo sa ilalim ng BDP.

Ipinaliwanag ni Año na ang proseso ay nag-uumpisa sa pagsasagawa ng community support program (CSP) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) sa mga barangay na may
impluwensya o napasok na ng New People’s Army.

Kasunod ng paglilinis, pagpapatunay at pagsusuri ng AFP at PNP, ang listahan ng mga barangay ay isinusumite sa NTF-ELCAC na siyang sumusuri ng listahan at ini-endorso sa DILG at iba pang ahensiya.

Sinabi ni Año na ang barangay na natukoy ng AFP/PNP ay iba-validate muli ng DILG sa pamamagitan ng five-step Retooled Community Support Program (RCSP), na mag-uumpisa sa pag-oorganisa ng RCSP team at RCSP core teams na lulubog mismo sa mga barangay; pagkilala sa governance gaps at ang kailangang mga development interventions; ang pagpapatupad ng mga prayoridad na programa, proyekto at mga aktibidad na magpapalakas sa LGUs at komunidad; at pagpapanatili ng mga hakbang dito.

Pagkatapos ng RCSP, ang paghahanda para sa proyekto at programa na popondohan at ieenrol sa BDP ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga residente ng barangay, stakeholders at mga pambansang ahensiya ng gobyerno. Ito ay ieendorso sa NTF-ELCAC sa pamamagitan ng municipal, provincial at regional ELCAC task forces para mapondohan.

“Hindi gawa-gawa at walang hokus-pokus sa pagpili ng mga barangay na kasama sa BDP at sa pagtukoy ng mga projects para dito. Ang lahat ng BDP projects na nasa listahan ay lehitimo, dinaan sa konsultasyon at pinili mismo ng mga residente base sa kanilang pangangailangan. Ilang beses ang validation,” sabi pa nito.

Sinabi pa ni Año na ang BDP projects katulad ng farm-to-market roads, silid paaralan, water at sanitation systems, health stations, at livelihood projects ay tinukoy ng mga barangay upang mapanatili ang programang pangkaunlaran sa naturang mga conflict-prone na lugar.

Sinabi din ni Secretary Año na ang paratang ni Brosas na ang panukalang P28.1-billion NTF-ELCAC na pondo para sa 2022 ay gagamitin para sa eleksyon at ibibigay sa mga kaalyado ng administrasyon au lumang tugtugin na at walang basehan na alegasyon.

“Lumang isyu na ito na nasagot na noong nakaraang taon na binubuhay ulit nila ngayon. Naipaliwanag na sa kanila na hindi ito pang-eleksyon dahil direktang ibinababa ang pondo sa mga LGUs na nagpapatupad ng programa,” aniya.

“Ang aming hinihinging pondo sa SBDP ay para sa panimula ng tunay na pagbabago at kaunlaran sa mga malalayong barangay na pinagkaitan sa loob ng mahigit 50 years at ngayon lamang makakatikim ng tunay na kalinga ng gobyerno,” dagdag pa niya

BDP para sa malalayo, mahihirap na barangay

Samantala, sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya na ang pondo ng BDP ay para sa mga nasa malalayong lugar at mahihirap na barangay na hindi pa nakararanas ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno katulad ng mga kalsada, patubig, at kuryente, Ito ang mga bagay na iipinag-wawalang bahala ng mga nabubuhay sa mga siyudad at sa mga sentro ng ekonomiya.

Ipinaliwanag ni Malaya na ang P16.44-bilyong pondo para sa kasalukuyang panahon ay para sa 2,283 SBDP projects kung saan 1,995 dito ay mga infrastructure projects na nagkakahalaga ng P15.86-billion kasama na ang farm-to-market roads, health stations, school buildings, water supply at sanitation, rural electrification, reconstruction, rehabilitation at repair; at saka housing. Ang natitirang 288 ay non-infrastructure projects na nagkakahalaga ng P419.997-million katulad ng agricultural, livelihood at training; COVID-19-related projects at assistance to indigents.

Sa P15.86-billion halaga ng 1,995 infrastructure projects, sinabi ni Malaya na 928 nito ay farm-to-market roads sa 747 barangays na nagkakahalaga ng P11.631-billion kung saan 157 projects ay health stations para sa 150 barangays na nagkakahalaga ng P498.726-million. Ang 150 SBDP proyekto ay school buildings sa 132 barangays na nagkakahalaga ng P608.678-million; at ang natitirang 518 ay mga water supply at sanitation projects sa 404 barangays na may buong halaga ng P2.398-billion.

Dagdag pa dito ay ang 173 rural electrification sa157 barangays na aabot sa P491.784-million; 32 ay reconstruction, rehabilitation at repair projects sa 24 barangays na nagkakahalaga ng P129.2-million; pitong housing projects sa pitongnbarangays na may halagang P22.4-million; at 30 pang ibang infra-projects sa 21 barangays na nagkakahalaga ng P78.4-million.

Para naman sa P419.997-million budget sa 288 non-infrastracture projects na P283.951-million, walo ay COVID-19 vaccination at iba pang health-related projects sa walong barangays na nagkakahalaga ng P17-million; at 103 ay assistance to indigent individuals at families kasama na ang medical, burial, transportation, food, cash for work at education sa 72 barangays na may halagang P119.046-million.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-1406-cleared-barangays-na-kasama-sa-iminungkahing-2022-budget-sumailalim-sa-masusing-proseso/NC-2021-1176