October 16, 2023
Habang nagpapatuloy ang pamahalaan sa pinaigting na whole-of-nation approach laban sa iligal na droga, nakipagtulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Linggo sa Premier Volleyball League (PVL) upang higit pang isulong at palawakin ang abot ng flagship anti-drug campaign nitong Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
Sa isang press conference sa pagbubukas ng 2023 PVL All-Filipino Conference sa Smart-Araneta Coliseum, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang partnership sa PVL, na ginawang opisyal sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement, ay magtutulak ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa mga kabataang Pilipino at tutulong na hikayatin sila na yakapin ang isang aktibo at malusog na pamumuhay at iwasan at talikuran ang iligal na droga.
“The kids have role models to follow. And we have a lot of young kids who have role models in this league, of course, our athletes here. Ang laking bagay nitong partnership na ito. It talks about lifestyle, it talks about attitude change which is crucial in our demand reduction campaign,” ani Abalos.
Pinasalamatan din ng DILG Chief ang PVL, ang kauna-unahang women’s professional volleyball league sa bansa, sa pakikiisa sa paglaban sa droga at sa paniniwala sa diwa ng BIDA.
Sa kanyang bahagi, si Ricky Palou, presidente ng Sports Vision Management Group, Inc., ang kumpanya sa likod ng PVL, ay siniguro ang patuloy na suporta ng liga sa BIDA program.
“We believe in this endeavor. And we are very happy to join DILG in this campaign. We fully support the DILG drug program and we are going to really work to ensure that it will be successful,” aniya.
Inaasahang mapapalaki ng partnership ang mga hakbangin sa drug testing ng PVL alinsunod sa Republic Act No. 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” sa mga manlalaro at kawani nito, ayon kay Abalos.
Sa ilalim ng MOA, ilalagay din ang logo ng BIDA program sa mga jersey ng mga manlalaro ng PVL. Inaasahang makakatulong din ang liga sa pagpapataas ng kamalayan tungkol sa programa laban sa droga sa pamamagitan ng pagpapakalat ng “BIDA Visuals” tulad ng mga advertisement videos at mga larawang ginawa ng DILG at iba pang mga Information, Education, and Communication (IEC) materials na ipapakita at ipalalabas sa mga asset, imprastraktura, at social media platform ng liga.
Ang Departamento ay pumirma rin ng katulad na kasunduan sa iba’t ibang mga liga at organisasyon sa palakasan tulad ng Philippine Basketball Association (PBA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) upang makakuha ng suporta para sa BIDA Program na kamakailan ay nanalo sa National Social Welfare Initiative ng ang Year Award sa 2023 GovMedia Awards.
Nagkaroon rin ng pirmahan ng kasunduan sa mahigit 30 nangungunang pribadong kumpanya sa bansa ay noong Mayo.
Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-patuloy-sa-pagpapalawak-ng-BIDA-Program-nakipagsanib-pwersa-sa-PVL/NC-2023-1199