Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayon ang mga lokal na pamahalaan na siguraduhin na may itinalaga silang kahit isang contact tracer sa bawat barangay na may populasyon na hihigit sa 5,000 upang mapalakas ang case finding at contact tracing bilang bahagi ng pagpapatupad ng bagong alert level system sa Metro Manila.

“Gusto naming mas maging masigasig ang ating case finding at contact tracing lalo na ngayon na mas mabilis ang pagkalat ng Delta variant. Dahil dito, importante na mayroong karagdagang contact tracer sa bawat barangay para mapabilis ang pagtutunton at maalalayan ang mga positive cases at close contacts,” sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año.

Sinabi nito na ang barangay contact tracer ay karagdagab sa mga contact tracers na nanggaling sa LGUs. Sinabi din nito na ang DILG ay handang magsagawa ng pagsasanay para sa karagdagang barangay contact tracers sa pamamagitan ng Local Government Academy o Department of Health.

“Mainam na ang contact tracer ay magmula sa miyembro ng BHERT (Barangay Health Emergency Response Team) ng barangay dahil inaasahan na sila ay nakadalo na sa mga angkop na pagsasanay at kilala nila ang mga tao sa kanilang lugar,” he said.

Ayon kay Año, para sa mga barangay na may populasyon ng mahigit 5,000, ang karagdagan contact tracers ay maaaring mag-empleyo o magtalaga ang LGUs upang masiguro na may taong nagmomonitor sa mga kaso ng coronavirus pati na ang mga nakahubilo o nakasama nito.

Ayon sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) , ang NCR ay nasa Alert level 4 kung saan ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay mataas o nadadadagan at ang total bed utilization rate at ang intensive care unit utilization rate ay nasa high utilization. Ang Granular level lockdown o micro-level quarantine ay pwedeng ideklara ng mayor sa mga lugar na tinaguriang “critical zones” ng LGUs kahit na ano pang alert Level.

Sa Memorandum Circular 2021-103, sinabi ng DILG Secretary, kasama sa gawain ng contact tracers ang magbahay-bahay upang malaman ang mga bagong dating mula sa probinsiya o ibang bansa at itala ang kanilang close contacts.

Dagdag pa nito, dapat payuhan ng mga contact tracers ang mga bagong dating na mag-home quarantine, alamin ang kanilang temperatura at manmanan kung makararanas ng COVID-19 symptoms sa loob ng 14 days.

“Kapag may lumabas na sintomas, dapat agad na maihiwalay ang taong iyon sa mga kasamahan niya sa bahay dahil siya ay itinuturing na COVID-19 suspect. Ito ay dapat madala agad sa referral center ng DOH o sa ospital para sa examination at treatment,” dagdag nito.

Ayon kay Año, importante sa LGUs, sa tulong ng mga BHERTs at contact tracers, na mapabilisang ma-isolate ang mga taong positibo gayundin ang pagpapaigting ng bakunahan para mapababa ang mga kasi.

“Muli rin po kaming nakikiusap sa publiko na ipraktis ang minimum public health standards (MPHS) at mag-isolate na at makipag-ugnayan sa inyong LGU kapag may sintomas kayong nararamdaman. Tayo rin ang patuloy na mahihirapan at mapeperhuwisyo kapag hindi tayo sumusunod sa MPHS,” sabi nito.

May 130,178 contact tracers ang kasalukuyang nakakalat sa buong bansa para makatulong sa contact tracing activities na saklaw ang 103.5-million population. Lahat ng contact tracers ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga City/Municipal Health Office.

Ayon kay Año, ang bilang na ito ay eksakto lamang pero sa pagdami ng banta ng Delta variant, mas masigasig na case finding at contact tracing measures ay kailangang-kailangan sa istratehiyang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) laban sa COVID-19.

Ngayong marami nang bakunang parating, hinikayat ni Año ang mga LGUs na paspasan ang bakunahan ng mga eligible recipients. Pinaalalahanan nito ang publiko ang mga LGUs para sa kanilang vaccination schedules.

“Napakalaki ang maitutulong ng pagpapabakuna para mas mapababa natin ang kaso at makatawid na tayo sa new normal,” he said.

Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-sa-LGUs-Palakasin-ang-COVID-19-case-finding-contact-tracing-sa-ilalim-ng-bagong-alert-system-magtalaga-ng-isang-contract-tracer-kada-barangay/NC-2021-1178