May 3, 2023
Nagsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at United States Agency for International Development (USAID)-RenewHealth upang mas palakasin ang community-based drug rehabilitation (CBDR) anti-illegal drug program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng pamahalaan.
“As we continue to roll out the BIDA program in various sectors nationwide, I am very pleased to have the support of international agencies such as USAID. We thank USAID for sharing our vision and helping in our efforts to rehabilitate persons who use drugs (PWUDs) and combatting illegal drugs in the communities,” ani DILG Secretary Benjamin “Benhur”Abalos, Jr.
Opisyal na inilunsad ang partnership Miyerkules ng hapon sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DILG at USAID. Kasama rin dito ang turnover ng iba’t ibang CBDR materials at learning modules ng RenewHealth sa DILG bilang bahagi ng BIDA program na ipapakalat sa mga pamahalaang lokal.
Ayon kay Abalos, ang kolaborasyon na ito ay naglalayong maisakatuparan ang iba’t ibang drug-demand activities tulad ng pagtiyak ng access sa evidence-based at culturally appropriate tools na sumusuporta sa pagpapatupad ng CBDR; pagpapakalat ng research at best practices ng CBDR, substance use prevention at re-integration program; at capacity-building para sa mga CBDR program managers at service providers ng local government units (LGUs).
Sa pamamagitan ng MOU, magkakaloob ang USAID ng tools at materials ukol sa social behavior change communication (SBCC) at CBDR; capacity building at information management platforms para sa CBDR; advocacy events para itampok ang mga best practice ng CBDR; at evidence-based na mga polisiya at batayan ukol sa CBDR.
Samantala, ang DILG ang siyang mangunguna sa pagpapakalat at co-branding ng mga SBCC at CBDR material ng USAID bilang bahagi ng BIDA Program at ICAD websites; pangunguna sa mga forum at advocacy event bilang bahagi ng BIDA Program; at pagkakaloob ng CBDR capacity building sa mga LGU at iba pa.
Ang RenewHealth ng USAID ay isang proyekto na nagsimula noong 2019 na nagtataguyod ng social integration at nagpapataas ng accessibility ng drug treatment at rehabilitasyon sa loob ng komunidad.
Ang BIDA program, ang multi-sectoral at holistic na drug campaign ng pamahalaan, ay nakatuon sa pagpapaigting ng mga hakbangin upang bawasan ang demand at supply ng iligal na droga sa pamamagitan ng multi-sectoral approach kasabay ng law enforcerment efforts ng mga awtoridad.
Original Article at: https://dilg.gov.ph/news/DILG-USAID-nagsanib-puwersa-para-sa-mas-pinaigting-na-community-based-drug-rehabilitation/NC-2023-1068