MENSAHE NG DILG PARA SA KAPASKUHAN AT BAGONG TAON

Jonvic C. Remulla
DILG Secretary

Mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, isang masaganang pagdiriwang ng Kapaskuhan at mabiyayang Bagong Taon po sa ating lahat!

Sa masayang panahon ng paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus, kaisa po ang DILG ng bawat Pilipino sa taos-pusong pagpapasalamat sa mga nakamit nating tagumpay ngayong taon sa kabila nang hindi mabilang na pagsubok at unos na ating pinagdaanan.

Upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan ngayong Kapaskuhan, nakaantabay ang libo-libong mga kawani ng Kagawaran, halos 40,000 na kasapi ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas at halos 38,000 bumbero mula sa Kawanihan ng Pamatay Sunog.

Naka-alerto rin ang ating Kawanihan ng Pamamahala ng Bilangguan at Penolohiya upang tiyakin na magiging mapayapa ang Pasko at Bagong Taon ng ating mga kababayang PDL o persons deprived of liberty.

Sa atin pong pagharap sa parating na Bagong Taon, kasama ninyo po ang DILG sa patuloy nating pagtahak tungo sa tunay na payapa, maunlad at progresibong Bagong Pilipinas!

Muli, mula po sa DILG at sa aking pamilya, isa pong pagbati ng Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon sa ating lahat!

Original Article At: https://www.dilg.gov.ph/news/MENSAHE-NG-DILG-PARA-SA-KAPASKUHAN-AT-BAGONG-TAON/NC-2024-1158