December 22, 2023
Sa ngalan ng Department of Interior and Local Government ay binabati ko ang sambayanang Pilipino ng isang Maligayang Pasko at Maunlad na Bagong Taon.
Sa gitna ng mga hamon na dumaan sa ating bansa ngayong taon, nakita natin ang pwersa ng pagkakaisa at bayanihan nating mga Pilipino.
Ang Pasko ay panahon ng pasasalamat para sa mga biyaya’t tagumpay, pati na rin sa mga nalagpasang pagsubok.
Lubos ang aking pasasalamat sa mga local government units at lahat ng mga katuwang natin sa paglilingkod.
Hindi po matatawaran ang inyong naiambag para sa ating iisang hangarin na maghatid ng mabuting pamamahala, kapayapan, at kaunlaran sa bawat komunidad sa ating bansa.
Sa pagtatapos ng taon, nawa’y ating mapagnilayan at bitbitin ang mga aral ng mga nalagpasang pagsubok at malugod na harapin ang bagong taon ng may pagkakaisa, pag-asa at sigla.
Sa bahagi ng DILG family, makaasa po ating mga kababayan na ang mga programa’t proyekto natin ay para sa patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala ng mga pamahalaang lokal at kaayusan at kaunlaran sa mga lokalidad.
At sa darating na taon ay sama-sama nating ipagpatuloy at itaguyod ang matino, mahusay at maaasahang paglilingkod.
At gagawin natin ito sa gawa, hindi sa salita.
Mabuhay ang bayanihang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas!
Original Article at: https://www.dilg.gov.ph/news/Opisyal-na-Pahayag-ni-DILG-Secretary-Benhur-Abalos-para-sa-Kapaskuhan-at-Bagong-Taon/NC-2023-1295